Digmang Bayan
*Salin ng “The People's Warrior” ni Eman Lacaba
Isang atleta ang mandirigmang bayan: Umaakyat ng bundok hindi dahil naroon Ito kundi dahil naroon ang masa. Isa siyang akrobat: binabalanse ang sarili Sa mga natumbang punong tulay sa ilog At malalaking talon ng tiyak na kamatayan, Tila sumasayaw sa lubid. Ang mandirigmang bayan ay isang aktor: sa tanghalan ng rebolusyon; Isang tapat na aktor dahil ang masa Ay mahuhusay na kritiko, nababasa ang mukha't katawan At alam kung tunay ang iyong salita, o kung Nanlalansi. Oo, ang mandirigmang bayan ay Isang komedyante: ipinapakita sa masa ang mga baligo, Ang balintunàng kondisyon nila—Ang kontradiksiyon Sa pagitan niyang pinamumunuan at nagpapawis At siyang namumuno nang walang pawis sa kanyang Malambot na upuan sa kotse at opisina at marmol na inidoro; Pinasisigla ng mandirigmang bayan ang martsa ng masa Pasulong sa digma, malugod subalit puno ng Determinasyon; nagpapatawa siya upang mapalagay Ang masa sa kanya, siyang mula sa kanila At para sa kanila— sa unang pagkakataon, armado Subalit hindi abusado, ang hukbong bayan.