preoccupations

et cetera by John Rey Dave Aquino

*Salin ng “The People's Warrior” ni Eman Lacaba

Isang atleta ang mandirigmang bayan: Umaakyat ng bundok hindi dahil naroon Ito kundi dahil naroon ang masa. Isa siyang akrobat: binabalanse ang sarili Sa mga natumbang punong tulay sa ilog At malalaking talon ng tiyak na kamatayan, Tila sumasayaw sa lubid. Ang mandirigmang bayan ay isang aktor: sa tanghalan ng rebolusyon; Isang tapat na aktor dahil ang masa Ay mahuhusay na kritiko, nababasa ang mukha't katawan At alam kung tunay ang iyong salita, o kung Nanlalansi. Oo, ang mandirigmang bayan ay Isang komedyante: ipinapakita sa masa ang mga baligo, Ang balintunàng kondisyon nila—Ang kontradiksiyon Sa pagitan niyang pinamumunuan at nagpapawis At siyang namumuno nang walang pawis sa kanyang Malambot na upuan sa kotse at opisina at marmol na inidoro; Pinasisigla ng mandirigmang bayan ang martsa ng masa Pasulong sa digma, malugod subalit puno ng Determinasyon; nagpapatawa siya upang mapalagay Ang masa sa kanya, siyang mula sa kanila At para sa kanila— sa unang pagkakataon, armado Subalit hindi abusado, ang hukbong bayan.

I cannot let the day end without celebrating. Ten years is a long time, and I've only been a fan of yours for at least half of that time.

Read more...

Ang Pelikulang Ekstra (2013) Bilang Tekstong Popular sa Ilalim ng Tradisyon ng Realismo

John Rey Dave Aquino

Sinisiyasat ng pelikulang Ekstra (2013, dir. Jeffrey Jaturian) ang mga negosasyon sa nibel ng institusyon upang bigyang-puna ang pananamantala sa industriya ng telebisyon (at pelikula) sa pamamagitan ng pagsasalaysay ng isang araw sa buhay ni Loida (Vilma Santos) bilang ekstra. Susuriin ang pelikula gamit ang konsepto ng negosasyon ni Gledhill (1988), ang kritisismo ng industriya ng kultura nina Horkheimer at Adorno (2002), at ang pag-iiba ng realismong ‘indicative’ at ‘subjunctive’ ni Williams (2015), kung saan lalabas na samantalang pinupuna ng pelikula ang pananamantala sa mga manggagawang ekstra, ikinukubli rin nito ang sarili bilang tekstong dumaan sa parehong proseso ng produksyon na pinupuna nito. Sa huli, nauuwi pa rin ang pelikula sa realismong ‘indicative’ kung saan hinahamak ang posibilidad na magharaya ng mga bagong hinaharap.

Read more...

Marlon Fuentes’ mockumentary Bontoc Eulogy (1995) invokes history, through archival footage, in telling a fictional narrative about the indigenous Igorot body as a historical artifact. Using Terry Goldie’s (1989) conception of historicity as a commodity in the semiotic field of the indigene, and the conception of the racialized/colonized body (DeMello 2014), this paper interrogates the film’s display of the Igorot body as representation of the indigene within the dominant discourse. I argue that while the film successfully utilizes historical research and archives in its critique of Empire, it also transmutes the materiality of the indigenous body into a historical artifact instead of as a living, breathing being.

Read more...

Here’s 1 sentence each from 8 journals I wrote as a queer adolescent:

  • Thought I wouldn't see him, but I did! (Journal #1, 2 August 2013)
Read more...

When her personality suddenly changes, as she was seemingly possessed by her mother and a deceased friend, Jiyoung’s husband Jung Daehyun decides to bring her to the psychiatrist. She recounts her life to this professional, reliving events from childhood, adolescence, marriage, and motherhood. She remembers: a grandmother who preferred a grandson; a male classmate bully whose behavior was excused as boys will be boys; a mother giving up on her dreams for her brothers; a male client and his inappropriate comments; and more. These repressed memories were relayed on her sessions with the psychiatrist who eventually diagnoses Jiyoung with postnatal and childcare depression.

Read more...

*salin ng tula ni Shane Carreon

Balang araw tatanungin ko si Tatay kung paano kilawin ang dilis o tunang hilaw, ibinababad sa suka’t gata, kinakamay ang bawat piraso mula sa iisang mangkok kasalo ang iilang taong katiwala.

Read more...

Kinabukasan, para sa float parade ay mas inagahan niyo ang pagpunta sa Session Road pero mas dumami ang manonood. Malalaking float na gawa sa makukulay at patay nang bulaklak ang gumulong pababa ng kalsada bilang pinakaaabangang bahagi ng Panagbenga. Noon ka lamang nakakita ng napakaraming bulaklak na tingin mo’y milyon ang bilang kung susumahin ang lahat ng float. Inayos ang mga bulaklak ayon sa kulay, tipo at disenyo. Mayroong tigreng umaatungal na mascot ng isang bangko, isang cartoon character na pamilyar sa mga milenyal na manonood, isang malaking kabibe na may perlas sa loob, at isang malaking rosas na gawa sa pulang bulaklak na ‘di mo alam ang pangalan.

Read more...

salin ng tulang “Illustrated Books and Newspapers” ni Henry Wadsworth Longfellow

Talastasan ang dating kadakilaan ng Tao, At himala ng kanyang kamay ang nasusulat na wika; Saka dumating ang Limbag na sumasaklaw Sa kaisipan—larangang laganap at absolutong Inilalatag ang katotohanan, pinalalawak ang pag-ibig. Ngayo’y wala nang dangal ang prosa at berso

Read more...

You suggested we go sing karaoke. You suggested we go for a drink together. I said no to both proposals ... in vino, veritas. In wine, truth. But then, you said we should go drink together and sing karaoke. I rolled my eyes at you. You and your humor are both out of taste but it made me smile.

Read more...